Monday, February 06, 2006

To my First Post in Filipino

My operation clean-up turned out to be a funny reading exprience after all. Saw this old notebook and found some scribbles in some pages that are actually words that can logically be assumed as poems. I can't believe I wrote poems then. But anyway, here's one piece I wrote which I really don't like. Well, its not much of a poem...I really don't know how'd I call it. Anyway, here it is.


Nakaraan ang magdamag
Di naisip ang kawalan
Di nakita ang kadiliman
Sapagkat ang iyong yakap
Tinakpan ang larawan ng kasalukuyan.

Hati at lubog sa bagabag
Ngunit di na alintana ang kaduwagan
Di dinamdam ang kakulangan
Dahil ang pagkakataong ninais
Hiling na sa iyong tabi'y nakamtan.

Lumipas ang sandali
Isa-isa'y mawawalay
Ilang sandali pa'y kawalan
Ang siyang hahantungan.

Limang oras ang pag-iisip,
Sintagal ng mahabang pelikula,
Ng oras sa pag-aaral sa hapon,
Ng magdamag na ang iyong kamay
Nakahawak, mahigpit.

Anim na oras sana.
Subalit sisikat din ang araw
Lahat mawawalay,
Lahat ay magiging alaala.

Paalam.

-----------
A product of boredom in the absence of love.